next to the top priority,.. my parents,...
maybe our native language would do right?
(I'm not superb with the English language)
Thank You,..
Maraming Salamat,.. Isa lamang sa pinaka mababaw na masasabi ko sa aking mga magulang,.. I love you very much,..
Mahal na mahal ko kayo,... ayan ang pangalawa,... Sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nabuhay ako,.. Hindi inaasahan pero inaasahan ng Diyos,.. Kayo ang instrumento niya kaya't hindi rin matatawaran ang aking pasasalamat,.. Sa mahigit labing pitong taon na ako'y inyong sinubaybayan at hinayaang mabuhay sa masalimuot ngunit masayang mundo, pakiramdam ko'y kahit anong gawin ko ay hindi ko mababayaran ang oras na inilaan ninyo sa akin.
"Hindi na importante sa amin na bigyan mo kami (pera o kahit anong bagay na kabayaran)
kapag nagkatapos ka na ng pag-aaral. " "Kuntento na kami basta makita ka namin at ang mga kapatid mo na maayos ang buhay,"
"Pagbutihin mo dahil para sa sarili mo ang ginagawa mo at hindi para sa amin."
~ Mag-aral ka ng mabuti ~
Bakit nga ba sinasayang ko ang oras ko? Sinasayang ko ang panahon na dapat ako'y gumagawa ng paraan para mapabuti ang aking sarili.
kung ibabatay ko ito sa aking mga magulang,..
Sinasayang ko ang oras na inilaalaan nila sa pagtatrabaho para lamang tustusan ako sa aking mga pangangailangan,...
Sabihin na nating,.. OO,.. hindi ko naman sinabing bilhin mo iyan para sa akin ah,.. hindi ko naman sinabing pag-aralin mo ako diba? hindi ko naman sinabing gawin mo iyan para sa akin ah?
Pero ginawa ninyo,.. para sa akin,.. kase may responsibilidad kayo?
Hindi,.....
Ito ay dahil di hamak na mas malaki ang pagmamahal ninyo sa akin kaysa sa pagmamahal ko sa inyo. Ngayon ko lang naisip na napakaswerte ko,.. Ibig kong sabihin,.. Talaga namang pinagpala ako ng Diyos. Hindi lahat ng mga magulang ay kayang ibigay ang lahat sa kanilang mga anak. Hindi lahat ng mga magulang ay katulad ninyong hindi natakot na kunin ang responsibilidad para sa akin.
Sa aking mga magulang, bilang isang anak ay nagkakaroon ako ng mga pagkakasala,.. pagkakamali,.. at marami pang pagkakasala at pagkakamali,.. sabihin man nilang ito'y normal sa bawat nilikha,.. alam kong ito ri'y paraan ng Diyos para sa akin.
Hinihingi ko ang pagpapala at biyaya ng Diyos para maisakatuparan ko ang mga pangarap ninyo para sa akin. Alam kong sa gayong paraan lamang ako kahit papano'y makakabawi sa inyo. Patawad sa aking pagwawalang bahala,..
Maraming Salamat sa buhay,... sa oras,..
Maraming Salamat dahil kayo ang nagturo sa akin ng tunay na pagmamahal.
Ang inyong panganay na anak,
Lyra Ruth