Gusto ko lang manggulo, . .hehe
Minsan, kahit anong gawin mo, pagsikapan mo man gawin ang lahat, o gawin kahit ang hindi nakalaan para sa iyo, . . Magawa mo man ito ng mabuti, hindi pa rin ito sapat. May kulang at kulang pa rin. May hahanapin at hahanapin pa ring iba. May mali pa rin.
Tignan na lang natin ang palaging isyu:
May isang ina, iniwan ng asawa. Iniwan para alagaan ang mga anak sa kanya. Siya lang mag-isa. Gawin man niya ang lahat para magtrabaho araw at gabi. Magtitiis para hindi mabili ang sariling mga kagustuhan basta di lang magkulang sa mga anak.
Sa kabila ng lahat, at hindi naman din natin masisisi, hahanap-hanapin pa rin ang ama na nang-iwan. Mabuti sana kung hanapin lang diba? Ang masama pa, binabalewala ng mga anak ang nanay dahil lang sa mga kakulangan nito.
Kahit kailan hindi maaring maging ama't ina ang isang ina.
______________________________________________
Hindi ko alam kung saan ko nakuha yan ah? Basta balikan natin ang unang realization na kulay asul. hehehe.
*binabasang muli*
Kahit anong gawing pagsusumikap, hindi talaga sapat.
TALO pa rin.
Mayroon na akong Divine, Aghanims, may Aegis na din, talo pa.
Beyond God-like na nga eh! Pero ganoon pa rin.
Mag-isa lang kasi ako. Mag-isang pumapatay, mag-isang dumedepensa.
Sa final scores, mas mataas pa ako sa mismong sentinel! Ang laki ng lamang,... pero,..
"DEFEAT" pa rin.
Si Lina ay Slayer.
Kahit kailan hindi siya "defender."
AHUHUHUHUHHUH
____________________________________________________
isa pang pang-GULO,. hehehe
Sa buhay natin, hindi sa lahat ng oras ay tama ang kumapit at magtiis. Mabuti sana kung kakapit at magpapakatatag ka dahil ito'y nakakabuti at napapagaan ang buhay. Oo, may mga pagkakataon pang matututo ka dahil doon.
Ngunit, mas mabuti pang bumitaw kung ito'y nagpapahirap lamang. Tapos ang tanging dahilan sa pagkapit ay ang nakaraang nakasanayan. Nasanay akong ganito tayo. Dapat ganito pa rin hanggang ngayon.
Pero paano kung iba na nga ang lahat?
Hindi ba tamang tanggapin na lamang kung ano ang ngayon na mas magpapagaan ng loob?
Mapapadali ang buhay, . .
________________________________________
Pinagkuhanang sitwasyon:
Bakit nga ba nagimbento ng toothbrush na nababasag?
Literal ah.
Minsan ay hindi sinasadyan maputol ko ang toothbrush kong bago. Naputol ito sa gitna mismo kaya't parang may nakakabit pa rin sa kanyang maliit na plastic. Ito ay ang nagsisilbing hawakan sa toothbrush na parang rubber. Dahil nga naputol na ito, tila nakatali na lamang ang kalahati ng toothbrush at nakabitin.
Inisip kong dikitan ito ngunit kailangan ko ng magsipilyo kaya't Ipinagpatuloy ko pa rin ang aking buhay.
Mahirap.
Mahirap hawakan. Distraction pa sa pagsisipilyo.
Pinutol ko na lamang ang rubber na nagdudugtong sa kanila.
At itinapon ang kalahati sa inis. (HEHEHE)
Natira sa akin ang pangsipilyo.
Noong una, nahirapan akong sanayin ang sarili ko sa maliit na sipilyo.
Pero ngayon, ayos na, . sanay na rin. Parang gumagamit lang ng travel toothbrush na hindi mo na pinagdugtong.
=)
Ang saya ng buhay. hehehe